FILIPINO BOOK: BAKIT MATAGAL ANG SUNDO KO! WITH TAGALOG SUBTITLES
Bakit Matagal ang Sundo ko?
Kuwento ni Kristine Canon
Guhit ni Mariano Ching
Inilathala ng Adarna House
(MUSIC)
Kriiiiiiiing! Kriiiiiiing! Kriiiiiing!
Haaay salamat, tapos na ang klase, puwede na kaming umuwi!
Mabilis kong niligpit ang aking gamit para makapila ako agad palabas.
Ang ingay ng sabay-sabay na pag-ikot ng mga gulong ng stroller namin.
At ang lalakas ng boses ng mga kaklase ko habang nagpapaalaman.
(BOSES NG MGA BATA!)
Nagtakbuhan kami para salubungin ang mga nanay at tatay namin sa labasan---
Siguradong nandiyan na si Nanay!
Dumeretso ako sa bangko kung saan laging naghihintay si Nanay.
Laking gulat ko nang makita kong wala pa si Nanay sa bangko!
Nanlaki ang mga mata ko. Kinabahan ako.
(TUNOG NG PINTIG NG PUSO)
Pero bago ako maiyak, sinabi ko sa aking sarili na hindi ako dapat matakot.
Sinubukan kong hanapin si Nanay sa nagkakandadikit-dikit na mukha ng mga magulang sa labasan.
Sa dami ng nanay at tatay dito, talagang nakalilito!
Pinalaki ko ang mga mata ko para hanapin si Nanay.
Pero di ko siya makita.
Wala akong nagawa kundi ang umupo sa bangko katabi ng aking bag at baunan.
Unti-unting nabawasan ang mga batang naghihintay at mga magulang na sumusundo.
Ilang kaklase ko na at kanilang mga stroller ang dumaan, pero wala pa rin si Nanay.
Lahat ng bata ay nasundo na, maliban sa akin.
"O, maghintay ka lang dito ha.
Natrapik lang siguro ang nanay mo," ang sabi ng guwardiya sa labasan.
Kaya naghintay nang naghintay nang naghintay ako.
Halos nagpaikot-ikot na ako sa bangko.
Pero wala pa rin si nanay.
Ano kaya ang nangyari kay Nanay?
Baka nasiraan ng sasakyan si Nanay!
Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang maalala ko na may sira nga pala ang sasakyan namin.
Siguradong naghahanap pa si Nanay ng paraan para masundo ako!
Siguro...sumakay siya sa isang pagong.
Maliit at mabagal ang hakbang nito kaya ang tagal-tagal bago ako masundo.
(TUNOG NG PAGONG!)
Pero, alam kong magmamadali si Nanay kasi sabik na rin siyang makapiling ako!
HIndi siya aasa sa isang pagong.
Siguro...sa isang elepante siya sumakay!
(TRUMPETA NG ELEPANTE!)
Higante ang mga hakbang nito kaya siguradong mas mabilis niya akong masusundo.
(HIGANTENG MGA HAKBANG!)
Pero hindi kakasya ang elepante sa daan na may napakaraming sasakyan!
Siguro, matagal pa talaga bago ako masundo.
Siguro... isang agila ang kinaibigan ni Nanay.
Mabilis silang makalilipad para masundo ako.
(TAWAG NG AGILA!)
Pero di kaya lalong magtagal si Nanay sa paghahanap sa akin?
Masyadong mataas ang lipad ng agila.
Puro ulap at tuktok ng puno lang ang makikita niya.
Di niya matatanaw ang aking pagkaway.
Siguro...nakipagsabayan si nanay sa mga unggoy na naglalambitin mula sa isang puno papunta sa isa pa.
(HIYAW NG MGA UNGGOY!)
Ay! Sandali lang ay nandito na siya!
Pero oras na sa puno ng saging sila kumapit, hindi na ipagpapatuloy ng mga unggoy ang pagsabit-sabit.
Siguradong matatagalan si Nanay sa pagdating.
Siguro...naisip ni Nanay na makiangkas sa likod ng isang balyena.
(TUNOG AT PAGHINGA NG BALYENA!)
Sisisid sila sa malalim na dagat hanggang ako'y marating.
Pero sa gitna ng karagatan matatagpuan ang balyena at di nito kayang lumangoy sa mababaw na baybayin.
Naku! Matatagalan si Nanay sa pagsagwan papunta sa akin.
Hay, Nanay! Paano mo nga ba ako susunduin?
Napagod ako sa kaiisip.
Isang malalim na buntong-hininga sabay ngalumbaba ang tangi kong nagawa.
Lalong napakunot ang noo ko sa aking mga naisip.
Siguro, nalimutan na ako ni Nanay.
Siguro, di na niya ako mahal.
Siguro, napagod na siya sa pagsundo sa akin araw-araw.
Siguro...
Hindi ko na napigilan ang pagluha ko.
(UMIIYAK ANG BATA!)
Sumikip ang aking dibdib. Hindi ako makahinga.
Itinago ko na lamang ang nalugi kong mukha sa aking mga kamay, nang biglang....
"Nanay! Buti dumating ka.
Akala ko nilimot mo na ako."
"Maari ba kitang makalimutan, e ikaw ang pinakamahalaga sa akin?"
ang amo ni Nanay, sabay yakap sa akin.
"Nasiraan ka ba ng sasakyan Nanay?"
"Hindi, natrapik lamang ako sa haywey."
Napawi ang lungkot at luha ko at napalitan ng ginhawa't tuwa.
(TUWANG-TUWA!
Tama nga pala ang guwardiya.
Natrapik lang si Nanay.
(ANG PAGONG!)
(ANG ELEPANTE!)
(ANG AGILA!)
(ANG MGA UNGGOY!)
(AT ANG BALYENA!)