11.4 Pagbabasa - Biyahe
Mula sa bahay niya, sumakay si Jose at ang tatay niya ng Traysikel papunta sa Philcoa. Doon may mga jeepney papunta ng Quezon Boulevard. Mula sa Quezon Boulevard, sumakay sila ng tren papuntang Pasay, at pagkatapos, sumakay na naman sila ng jeepney. Mula sa kalye, naglakad sila papuntang Ninoy Aquino International Airport.
Kaninang umaga, sumakay ang nanay niya ng eroplano mula sa Hong Kong. Nagtatrabaho doon ang nanay niya. Isa itong “domestic worker". Nakatayo si Jose sa airport. Darating ang nanay niya. Masayang-masaya siya.